Archive for August, 2005

Salamat

Friday, August 26th, 2005

Salamat
At tayo’y magkasama muli
Salamat
At may gabing nakalaan
Sa kaunting kasiyahan

Salamat
At tayo’y magkasama muli
Salamat
At sa pagpawi ng uhaw
Ay may darating na araw

Kay tamis
Ng ating samahan
Sa lungkot at kaligayahan
Tunay na kaibigan
Kasamang maaasahan
Salamat
At tayo’y may pinagsamahan
Salamat
Tunay na kaibigan

Salamat, at tayo’y may pinagsamahan
Salamat, tunay kong kaibigan
Salamat, at tayo’y may pinagsamahan
Salamat, kaibigang walang kapantay

Salamat sa iyo
Kaibigan ko
Salamat sa iyo